
Gatchalian Laments Harassment Perpetrated by Online Lending Companies
April 23, 2025
Gatchalian Laments Harassment Perpetrated by Online Lending Companies
Senator Win Gatchalian has reiterated the need for a measure that would prohibit unfair debt collection practices of online lending companies, as he lamented harassment being experienced by many borrowers who have availed of loans from online lending companies.
"Ang mga nagpapautang na ito, ginawa nilang mas madali nga para makautang ang mga tao. Pero isang araw lang na hindi makabayad, puro pananakot na ang ginagawa nila. Pinapahiya pa sa komunidad at minsan nagpapadala pa ng korona ng patay o bala," said Gatchalian, citing numerous complaints received by his office.
The senator earlier filed Senate Bill No. 818 or the Fair Debt Collection Practices Act, which prohibits a debt collector from engaging in any conduct to harass, oppress, or abuse any debtor in the collection of a debt. The bill specifically prohibits the use or threat of violence, use of obscene or profane language, and disclosure of borrowers' names.
"Karapatan din ng mga nagpapautang na maningil pero dapat nasa wasto at tamang pamamaraan. Dapat makatarungan at legal yung pangongolekta at hindi pananakot at pagbabanta sa buhay," he emphasized.
Gatchalian urged the Security and Exchange Commission (SEC) to adopt more stringent requirements relating to the registration of online lending companies, noting that the minimum capitalization for lending companies is only Php 1 million, regardless of the number of online lending apps (OLAs) that they are operating.
Currently, there are 117 lending and financing corporations and 181 OLAs registered with the SEC.
Gatchalian Ikinabahala ang Pangha-harass ng mga Online Lending Companies
Muling iginiit ni Senador Win Gatchalian ang pangangailangan ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga hindi makatarungang paraan ng paniningil ng utang ng mga online lending companies, habang ipinahayag niya ang pagkabahala sa mga kaso ng pangha-harass na nararanasan ng maraming nangungutang mula sa mga ganitong kumpanya.
"Ang mga nagpapautang na ito, ginawa nga nilang mas madali para makautang ang mga tao. Pero isang araw lang na hindi makabayad, puro pananakot na ang ginagawa nila. Pinapahiya pa sa komunidad at minsan may pinapadalhan pa ng korona ng patay o bala," ayon kay Gatchalian, batay sa maraming reklamo na natanggap ng kanyang opisina.
Nauna nang inihain ng senador ang Senate Bill No. 818 o ang Fair Debt Collection Practices Act, na nagbabawal sa sinumang maniningil ng utang na gumawa ng anumang kilos ng panliligalig o pang-aabuso sa isang may utang. Partikular na ipinagbabawal sa panukalang batas ang paggamit o pagbabanta ng karahasan, paggamit ng malaswa o bastos na salita, at pagbubunyag ng pangalan ng may utang.
"Karapatan din ng mga nagpapautang na maningil pero dapat nasa wasto at tamang pamamaraan. Dapat makatarungan at legal yung pangongolekta at hindi pananakot at pagbabanta sa buhay," diin pa ni Gatchalian.
Hinimok din ng senador ang Securities and Exchange Commission (SEC) na magpatupad ng mas mahigpit na mga rekisito sa pagrerehistro ng mga online lending companies, lalo na't ang minimum na kapital para sa mga lending companies ay Php 1 milyon lamang, kahit gaano pa karami ang kanilang mga online lending apps (OLAs).
Sa kasalukuyan, mayroong 117 na lending at financing corporations at 181 OLAs na rehistrado sa SEC.

Distribution channels:
Legal Disclaimer:
EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.
Submit your press release